Bata pa ko

Bata pa ko
Me and couz Bea

"ANG SIMPLE KONG TALAMBUHAY"

                               
Pebrero 19,2011 (Sabado)


    Ako si Sharah Becina Luna.Ipinanganak noong Enero 20 1994.Nakatira sa Brgy.San Marcos San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Doris Becina Luna at si Leo Madrid Luna.Kami ay limang magkakapatid,bagama't maaga akong naulila sa ama.Ako ay bunso sa limang makakapatid.Nasawi ang aking ama sa isang aksidente.Itinuring ko yung isang malaking dagok sa aming buhay,ang pagkawala ng aking ama.Mahirap pala pag maagang naulila sa ama,dahil kapag my problema sa bahay wala kaming katuwang upang malutas ang aming problema.Bagama't simple lang ang aming buhay pero masaya naman.



    Ako ay pumasok ng kinder sa San Marcos Elementary School.Ang aking naging guro ay si Ms.Ditas Talatala.Ang hinding-hindi ko makakalimutan ay ang mga masasayang naganap sa aking buhay bilang isang kinder.Hindi ko din malilimutan ay noong naglalaro kami sa puno.umakyat ako,tapos tinulak ako ng kakalase ko.umuwi ako sa amin ay may bangas ako.nung uwi ko sa amin napalo pa ako ng aking ina.dahil an likot ko daw,bakit baga daw ako umaakyat sa puno ay hindi naman daw ako unggoy.At isa pang natatandaan ko ay lagi kaming naglalaro ng habul habulan,pero lagi naman ako nadadapa.Iba pala talaga pag kinder,kasi puro laro at kulitan ang nangyayari.


    Noong ako'y nasa unang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Emma Bolanios.Sa unang pasok ko ayaw kong magpaiwan sa aking ina sa loob ng silid aralan,kasi gusto ko lagi  katabi ko ang aking ina.Lagi nga ako pinagagalitan ng aking ina kapag ako'y naiyak tuwing papasok ako.ang ginagawa ko tuwing miryenda namin dahil nga ayaw kong pumasok,naakyat ako sa puno ng rambutan para hindi ako makita ng aking guro.Pero mga ilang araw lang nagkaroon na ako ng mga ka laro.Hanggang sa unti-unti na akong nawili sa pagpasok,at hindi na ako naiyak kapag iniiwan ako ng aking ina sa silid aralan.Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan.aAng pinaka ayaw ko ay tuwing awasan na,kasi lagi na lang ako nahuhuli sa paglabas sa silid.Dahil sa  lagi akong nakikipagdaldalan sa katabi ko,kaya hindi ko natatapos ung mga dapat kong kopyahin sa pisara.

   Noong namang ako'y nasa ikalawang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Natividad.Ang natatandaan ko noong ako ay nasa ikalawang baitang,ay lagi kaming nanghuhuli ng gagamba sa likod ng aming silid,kasi ang likod ng amning silid ay madaming puno.Tapos tuwing miryenda namin ay lagi ko kinukurot yung isa kong kaklase kapag ako'y hindi nya binibigyan ng pagkain.Lagi nga akong pinapagalitan ng aking guro kasi,lagi naiyak yung kaklase ko.Minsan naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng Jack Stone,inaaway ko sila kapag dinadaya nila ako.
                    Noong ako'y nasa ikatlong baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Gladys Santiago.Hindi ko talaga malimutan ay noong akoy inipit ng kaklase ko ang daliri ko sa kamay sa pinto.Tapos tuwing uuwi ako sa bahay namin sa hapon lagi na lang kulang yung gamit ko sa bag.Kaya na lang lagi ako pinapagalitan ng aking ina,kasi napaka pabaya ko daw sa gamit.Kasi kaya naman napapabayaan ko yung bag ko,kasi lagi kami naglalaro ng tagu-taguan kaya yun gamit ko tinatago nila.Ang pinaka  ayaw kong kaklase ay si bella,dahil napaka salbahe nya.




                     Noong ako'y nasa ikaapat na baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Aileen Belen.Minsan tinatarayan ako noon kapag siya'y nagpapaliwanag sa unahan tapos ako ay hindi nakikinig sa mga sinasabi nya kasi ako'y ,laging nakikipag daldalan sa katabi ko.Madalas kaming naglalaro ng sikyo ng mga kaklase ko tuwing awasan.Lagi kami nag aaway-away ng nga kaklase ko kapag nagkakaroon ng dayaan.Lalo na ako kapag ako ay natataya inaaway ko sila..kaya naman minsan pag naglalaro sila hindi na nila ako sinasali.Pati lagi aman ako napapalo tuwing ako'y uuwi ng bahay na basang-basa na pawis ang likod ko.




                        Noong ako'y nasa ikalimang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Marites Gallardo.Ang pinaka paborito kong subject noon ay english.Kasi ang guro ko doon ay mabaet.si Mrs.Ester Ang.Tapos ang galing niyang magturo.Minsan naiinis ako sa mga kaklase ko dahil,tuwing dadaan yung crush ko lagi nila akong niloloko.Syempre nahihiya ako.Tapos tuwing aawas ako sa tanhali ay lagi ako iniipitan sa buhok ng aking ina.Kapag naman miryenda na imbes na kumain kmi ng mga kaibigan ko ay naglalaro na lang kami ng Sungka.Lagi kami unahan sa paglalaro ng iba kong kaklase dahil yung iba nangdadaya na.




     Noong ako'y nasa ikaanim na baitang na,ang naging guro ko ay si Mrs.Fatima Palacio.Masasabi ko na ang ikaanim na baitang ang pinaka masayang taon noong ako'y nasa elementarya pa lamang.Dahil mas lalo akong nagkaroon ng madaming kaibigan.Hindi ko rin malilimutan  ay noong sumama ako sa camping sa Sto.angel Elem.school.Naka Tatlong araw at dalawang gabi kami doon.Noong una parang gusto ko ng umuwi,dahil naiinip ako sapagkat wala pa akong kakilala.At noong unang gabi na yun hindi ako makatulog.Noong pangalawang araw naman ay nagkaroon na ako ng mga kakilala,pati madami akong natutunan doon.Tapos noong pangatlong araw naligo kami sa malapit na ilog,hindi ko malimutan tinulak ako ng isa kong naging kaibigan doon,tapos nagkaroon ako ng bukol.Noong ikatlong  araw pauwi na kami parang ayaw ko pa umuwi,dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga naging kaibigan ko doon.Tapos noong Graduation na namin,nabigla ako dahil ako pala yung napili na school namin na maging GIRL SCOUT OF THE YEAR.Hindi ko mawari ang aking pakiramdam noong graduation namin.Kasi maghihiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko at ng mga naging kaibigan ko.



COL.LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL(CLDDMNHS 2010-2011)



    
                     Noong ako'y nasa unang antas sa COL.LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL(CLDDMNHS).Noong una syempre wala pa ako kakilala,dahil sa unang pasok ko pa nga lang sa ibang school.At masaya ako bilang isang DIZONIAN.Dahil ang mga guro ditomagagaling at higit sa lahat mababait.At ang dizon high ay hindi lamang magaling sa kung hindi ay sobrang galing sa kahit saang larangan ng laro.Ipagmamalaki ko na isa akong dizonian dahil ang mga dizonian ay mga talentado Kaya naman maipagmamalaki ko ang amning eskwelahan.Walang akong pagsisisisi na sa dizon high ako pumaso,dahil madami akong natutunan sa mag naging guro ko.Noong ako'y nasa unang antas pa lamang ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan na mababait at my disiplina.Natuto na rin akong makibagay sa mga kaklase ko.
                     Noong ako'y nasa ikalawang antas,ay mas lalo pa akong nagkaroon ng mga kaibigan.Iba na pala talaga kapag nasa sekondarya.Lalo pa akong nagkaroon ng mga kaibigan.Iba pala talaga kapag ika'y nasa sekondarya na,magkakaroon ka na ng mga inspirasyon.Dahil ibat-ibang tao na ang nakakasalimuha ko.Dati parang ayaw kong pumasok ng sekondarya dahil natatakot ako.Pero nagkamali pala ako masaya pala.Lalo na bilang isang dizonian masayang masaya ako.Talagang maipagmamalaki ko na iasa akong dizonian.Kahit na minsan nagagalit ako sa mga kaklase ko kapag may hindi kami pagkakaunawaan,ayos lang basta naging parte sila ng buhay ko.Ipinagmamalaki ko sa buong mundo na DIZONIAN ako.

                   Noong ako ay nasa ikatlong antas na.hinding hindi ko malilimutan dahil sa loob ng aming silid aralan ay,para lang kaming magkakapatid,dahil sa mga turingan naming magka kaklase.Kahit minsan magulo kami,pero masaya naman kmi.Nagkaroon nga ako ng crush sa isa kong kaklase,kaya na lang lagi nila ako niloloko doon.Syempre nahihiya naman ako.Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na sina jehanne,giselle,lanie,lorenzo,karen,eden,lacap.Ipinag mamalaki ko sila bilang mga kaibigan,dahil higit pa sa kaibigan ang turingan namin.Para talaga kaming magkakapatid.At higit sa lahat masaya  silang kasama.Minsan asaran kami misan naman kwentuhan.


                  Ngayon ako'y nasa ikaapat na antas na.Ang bilis ng panahon dahil,parang kailan lang  lagi ako tinatamad pumasok,lalo na kapag unang pasukan,natatakot ako.Pero ngayon ako'y nasa ikaapat na antas na,masayang-masaya ako,dahil sa mga nangyari na maganda sa akin ngayong ako ay nasa ikaapat na antas na.Hindi ko malimutan ay noong sumali ako sa Sci-camp,sobrang saya ko noon dahil kasama ko mga kaibigan ko.Noonng una parang boring,pero noong nagkaroon na ng mga aktibidades,masasabi ko na masaya pala makihalubilo sa iba.Doon ko pati naranasan na matulog na nakaupo.Dahil pag sa sahig ako nahiga malamig.Tapos yung iba kong kakalase hindi sila natulog,kasi tawanan lang sila ng tawanan.Tapos Kapag yung iba kong kaklase ay tulog na nilalagyan nila ng polbo ang mukha,kaya na lang pag gising sa umaga amputi ng mukha nila.Ang isa pang nangyari sa buhay ko ay noong dumalo ako sa Junior and Senior Prom.Sobrang saya ko din dahil ang una kong nakasayaw ay yung crush ko.Noong una nahihiya ako noong lumapit siya,tapos ang gulo pa nung mga kaklase ko dahil niloloko nila ako.Syempre nahihiya ako.Para sa akin ang pinaka masaya sa buhay ng isang napasok ng sekondarya,ay ngayong akoy nasa ikaapat na antas na.Dahil sa sobrang dami ko ng mga naging kaibigan tulad nina,jehanne,lanie,karen,kat,catamen,bernadette,ashley,lorenzo,ilagan,giselle,nicole,lacap,aileen,eden.Tunay ko talaga silang ipinagmamalaki,dahil naging mga ehemplo sila ng buhay ko.Maraming salamat sa inyo.!Madami akong pangarap sa buhay.Na gusto kong matupad para naman masuklian ko ang paghihirap ng aking ina.Hanggang dito na lang po ang aking talambuhay !






Salamat po.Sa mga nagbasa ng talambuhay ko.Sana nagustuhan nyo po:)






































No comments:

Post a Comment

"ANG SIMPLENG TALAMBUHAY "NI SHARAH BECINA LUNA