Bata pa ko

Bata pa ko
Me and couz Bea

Saturday, May 28, 2011

                               ♥♥♥MISS YOU ALL GUYS♥♥♥
       
                 HOPE WE ACHIEVE OUR DREAMS   !!!
                                   
                                    GODBLESS US  :)     
                                       
                        
                             




By:SHARAH BECINA LUNA :))

Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay Ni Sharah B. Luna:)

♥Ang Babaeng Sexy Dati♥


me and my cousin !



                         Ako si Sharah Becina Luna.Ipinanganak noong Enero 20 1994.Nakatira sa Brgy.San Marcos San Pablo City.Ang aking mga magulang ay sina Doris Becina Luna at si Leo Madrid Luna.Kami ay limang magkakapatid,bagama't maaga akong naulila sa ama.Ako ay bunso sa limang makakapatid.Nasawi ang aking ama sa isang aksidente.Itinuring ko yung isang malaking dagok sa aming buhay,ang pagkawala ng aking ama.Mahirap pala pag maagang naulila sa ama,dahil kapag my problema sa bahay wala kaming katuwang upang malutas ang aming problema.|Bagama't simple lang ang aming buhay pero masaya naman.

noong payat pa ako :)




                      Ako ay pumasok ng kinder sa San Marcos Elementary School.Ang aking naging guro ay si Ms.Ditas Talatala.Ang hinding-hindi ko makakalimutan ay ang mga masasayang naganap sa aking buhay bilang isang kinder.Hindi ko din malilimutan ay noong naglalaro kami sa puno.umakyat ako,tapos tinulak ako ng kakalase ko.umuwi ako sa amin ay may bangas ako.nung uwi ko sa amin napalo pa ako ng aking ina.dahil an likot ko daw,bakit baga daw ako umaakyat sa puno ay hindi naman daw ako unggoy.At isa pang natatandaan ko ay lagi kaming naglalaro ng habul habulan,pero lagi naman ako nadadapa.Iba pala talaga pag kinder,kasi puro laro at kulitan ang nangyayari.
me and my candy :)
ako pa rin :)


        
                       Noong ako'y nasa unang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Emma Bolanios.Sa unang pasok ko ayaw kong magpaiwan sa aking ina sa loob ng silid aralan,kasi gusto ko lagi  katabi ko ang aking ina.Lagi nga ako pinagagalitan ng aking ina kapag ako'y naiyak tuwing papasok ako.ang ginagawa ko tuwing miryenda namin dahil nga ayaw kong pumasok,naakyat ako sa puno ng rambutan para hindi ako makita ng aking guro.Pero mga ilang araw lang nagkaroon na ako ng mga ka laro.Hanggang sa unti-unti na akong nawili sa pagpasok,at hindi na ako naiyak kapag iniiwan ako ng aking ina sa silid aralan.Nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan.aAng pinaka ayaw ko ay tuwing awasan na,kasi lagi na lang ako nahuhuli sa paglabas sa silid.Dahil sa  lagi akong nakikipagdaldalan sa katabi ko,kaya hindi ko natatapos ung mga dapat kong kopyahin sa pisara.



                      Noong namang ako'y nasa ikalawang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Natividad.Ang natatandaan ko noong ako ay nasa ikalawang baitang,ay lagi kaming nanghuhuli ng gagamba sa likod ng aming
silid,kasi ang likod ng amning silid ay madaming puno.Tapos tuwing miryenda namin ay lagi ko kinukurot yung isa kong kaklase kapag ako'y hindi nya binibigyan ng pagkain.Lagi nga akong pinapagalitan ng aking guro kasi,lagi naiyak yung kaklase ko.Minsan naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng Jack Stone,inaaway ko sila kapag dinadaya nila ako.

                    Noong ako'y nasa ikatlong baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Gladys Santiago.Hindi ko talaga malimutan ay noong akoy inipit ng kaklase ko ang daliri ko sa kamay sa pinto.Tapos tuwing uuwi ako sa bahay namin sa hapon lagi na lang kulang yung gamit ko sa bag.Kaya na lang lagi ako pinapagalitan ng aking ina,kasi napaka pabaya ko daw sa gamit.Kasi kaya naman napapabayaan ko yung bag ko,kasi lagi kami naglalaro ng tagu-taguan kaya yun gamit ko tinatago nila.Ang pinaka  ayaw kong kaklase ay si bella,dahil napaka salbahe nya.


                     Noong ako'y nasa ikaapat na baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Aileen Belen.Minsan tinatarayan ako noon kapag siya'y nagpapaliwanag sa unahan tapos ako ay hindi nakikinig sa mga sinasabi nya kasi ako'y ,laging nakikipag daldalan sa katabi ko.Madalas kaming naglalaro ng sikyo ng mga kaklase ko tuwing awasan.Lagi kami nag aaway-away ng nga kaklase ko kapag nagkakaroon ng dayaan.Lalo na ako kapag ako ay natataya inaaway ko sila..kaya naman minsan pag naglalaro sila hindi na nila ako sinasali.Pati lagi aman ako napapalo tuwing ako'y uuwi ng bahay na basang-basa na pawis ang likod ko.

                        Noong ako'y nasa ikalimang baitang,ang naging guro ko ay si Mrs.Marites Gallardo.Ang pinaka paborito kong subject noon ay english.Kasi ang guro ko doon ay mabaet.si Mrs.Ester Ang.Tapos ang galing niyang magturo.Minsan naiinis ako sa mga kaklase ko dahil,tuwing dadaan yung crush ko lagi nila akong niloloko.Syempre nahihiya ako.Tapos tuwing aawas ako sa tanhali ay lagi ako iniipitan sa buhok ng aking ina.Kapag naman miryenda na imbes na kumain kmi ng mga kaibigan ko ay naglalaro na lang kami ng Sungka.Lagi kami unahan sa paglalaro ng iba kong kaklase dahil yung iba nangdadaya na.

                             Noong ako'y nasa ikaanim na baitang na,ang naging guro ko ay si Mrs.Fatima Palacio.Masasabi ko na ang ikaanim na baitang ang pinaka masayang taon noong ako'y nasa elementarya pa lamang.Dahil mas lalo akong nagkaroon ng madaming kaibigan.Hindi ko rin malilimutan  ay noong sumama ako sa camping sa Sto.angel Elem.school.Naka Tatlong araw at dalawang gabi kami doon.Noong una parang gusto ko ng umuwi,dahil naiinip ako sapagkat wala pa akong kakilala.At noong unang gabi na yun hindi ako makatulog.Noong pangalawang araw naman ay nagkaroon na ako ng mga kakilala,pati madami akong natutunan doon.Tapos noong pangatlong araw naligo kami sa malapit na ilog,hindi ko malimutan tinulak ako ng isa kong naging kaibigan doon,tapos nagkaroon ako ng bukol.Noong ikatlong  araw pauwi na kami parang ayaw ko pa umuwi,dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng mga naging kaibigan ko doon.Tapos noong Graduation na namin,nabigla ako dahil ako pala yung napili na school namin na maging GIRL SCOUT OF THE YEAR.Hindi ko mawari ang aking pakiramdam noong graduation namin.Kasi maghihiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko at ng mga naging kaibigan ko.
                


COL.LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL(CLDDMNHS 2010-2011)
    

                     Noong ako'y nasa unang antas sa COL.LAURO D. DIZON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL(CLDDMNHS).Noong una syempre wala pa ako kakilala,dahil sa unang pasok ko pa nga lang sa ibang school.At masaya ako bilang isang DIZONIAN.Dahil ang mga guro ditomagagaling at higit sa lahat mababait.At ang dizon high ay hindi lamang magaling sa kung hindi ay sobrang galing sa kahit saang larangan ng laro.Ipagmamalaki ko na isa akong dizonian dahil ang mga dizonian ay mga talentado Kaya naman maipagmamalaki ko ang amning eskwelahan.Walang akong pagsisisisi na sa dizon high ako pumaso,dahil madami akong natutunan sa mag naging guro ko.Noong ako'y nasa unang antas pa lamang ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan na mababait at my disiplina.Natuto na rin akong makibagay sa mga kaklase ko.



                     Noong ako'y nasa ikalawang antas,ay mas lalo pa akong nagkaroon ng mga kaibigan.Iba na pala talaga kapag nasa sekondarya.Lalo pa akong nagkaroon ng mga kaibigan.Iba pala talaga kapag ika'y nasa sekondarya na,magkakaroon ka na ng mga inspirasyon.Dahil ibat-ibang tao na ang nakakasalimuha ko.Dati parang ayaw kong pumasok ng sekondarya dahil natatakot ako.Pero nagkamali pala ako masaya pala.Lalo na bilang isang dizonian masayang masaya ako.Talagang maipagmamalaki ko na iasa akong dizonian.Kahit na minsan nagagalit ako sa mga kaklase ko kapag may hindi kami pagkakaunawaan,ayos lang basta naging parte sila ng buhay ko.Ipinagmamalaki ko sa buong mundo na DIZONIAN ako.

                   Noong ako ay nasa ikatlong antas na.hinding hindi ko malilimutan dahil sa loob ng aming silid aralan ay,para lang kaming magkakapatid,dahil sa mga turingan naming magka kaklase.Kahit minsan magulo kami,pero masaya naman kmi.Nagkaroon nga ako ng crush sa isa kong kaklase,kaya na lang lagi nila ako niloloko doon.Syempre nahihiya naman ako.Nagkaroon din ako ng mga kaibigan na sina jehanne,giselle,lanie,lorenzo,karen,eden,lacap.Ipinag mamalaki ko sila bilang mga kaibigan,dahil higit pa sa kaibigan ang turingan namin.Para talaga kaming magkakapatid.At higit sa lahat masaya  silang kasama.

                  Ngayon ako'y nasa ikaapat na antas na.Ang bilis ng panahon dahil,parang kailan lang  lagi ako tinatamad pumasok,lalo na kapag unang pasukan,natatakot ako.Pero ngayon ako'y nasa ikaapat na antas na,masayang-masaya ako,dahil sa mga nangyari na maganda sa akin ngayong ako ay nasa ikaapat na antas na.Hindi ko malimutan ay noong sumali ako sa Sci-camp,sobrang saya ko noon dahil kasama ko mga kaibigan ko.Noonng una parang boring,pero noong nagkaroon na ng mga aktibidades,masasabi ko na masaya pala makihalubilo sa iba.Doon ko pati naranasan na matulog na nakaupo.Dahil pag sa sahig ako nahiga malamig.Tapos yung iba kong kakalase hindi sila natulog,kasi tawanan lang sila ng tawanan.Tapos Kapag yung iba kong kaklase ay tulog na nilalagyan nila ng polbo ang mukha,kaya na lang pag gising sa umaga amputi ng mukha nila.Ang isa pang nangyari sa buhay ko ay noong dumalo ako sa Junior and Senior Prom.Sobrang saya ko din dahil ang una kong nakasayaw ay yung crush ko.Noong una nahihiya ako noong lumapit siya,tapos ang gulo pa nung mga kaklase ko dahil niloloko nila ako.Syempre nahihiya ako.Para sa akin ang pinaka masaya sa buhay ng isang napasok ng sekondarya,ay ngayong akoy nasa ikaapat na antas na.Dahil sa sobrang dami ko ng mga naging kaibigan tulad nina,jehanne,lanie,karen,kat,catamen,bernadette,ashley,lorenzo,ilagan,giselle,nicole,lacap,aileen,eden.Tunay ko talaga silang ipinagmamalaki,dahil naging mga ehemplo sila ng buhay ko.


Salamat po.Sa mga nagbasa ng talambuhay ko.Sana nagustuhan nyo po:)

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay Ni John Bert D. Mimay


                                                Noong Ako Ay Isang Taong Gulang


Ako si John bert D.Mimay isinilang ako noong Nobyembre adose isang libo`t siyam na raansiyam napu`t apat.At ang aking ina ay si Josielyn D. Mimay at ang aking ama naman ay si Vernie B. Mimay. Noong limang taong gulang pa lamang ako ay marami ng nagbago sakin marami na akong naging kaibigan at pinag aral ako ng aking mga magulang sa paaralang San marcos Elementary School. Kinder ako noon lagi daw akong umiiyak dahil sa iniiwan ako ng ina ng tumagal ay nasanay na din ako dahil sa unang pasok ko pa lamang yon at noong nakatapos ako ng kinder ay natuwa ang aking mga magulang at dahil doon ay tutung tong na ako sa ika unang baitang mas lalo akong natuto ng mga bagay-bagay na itinuturo ng aking mga guro sa aming paaralan at pagkatapos noon ay tumuntong naman ako sa ikalawang baitang marami akong natutunan bago ako tumuntong sa baitang na ito marami din akong naging mga bagong kamag aral.naging scout lider ako noon nagkaroon kami ng camping sa aming paaralan. 






 Pagkatapos noong araw na iyon ay nalalapit na naman ang pagtatapos ng ikalawang baitang na ito at ng sumapit iyon ay bakasyon naman ang dadaan. Nagpunta kami sa maynila noong marso ikapito dalawang libot dalawa dinalaw ko sa maynilaat naging emosyonal ako dahil aalis na kami at babblik kami sa aming probinsya. ang aking lola at lolo at kamag anak at ng makita ko ang aking lola ay malaki na daw ang aking pinagbago at hindi nagtagal lumipas ang dalawang buwan na pamamalagi ko sa maynila ay bumalik na kami sa aming probinsiya upng ipagpatuloy ang aking pag aaral. At nang sumapit ang aking ikapitong kaarawan ay laking tuwa ng aking mga magulang marami sa aking kamag aral ay inimbitahan ko sa aking bahay upang ipagdiwang ang aking kaarawan . At nang tumuntong ako ng ika limang baitang doon ako nagsimulang matuwa ay dahil isang taon nalang ay gagraduate na ako marami rin ako pinagdaanan upang marating ko ito. Hindi nagging hadlang ang kahirapan upang makatapos ako. Pagkatapos noon ay narating ko na ang araw na gagraduate ako ang aking pinaka aasam. Dahil sa nakatungtong na ako sa ika anim na baitang Masaya ako dahil isa ako sa mga nakuhang basketball player ngayong taon. Laking tuwa ng mga guro ng naipanalo naming an gaming laban noong nagkaroon ng Division meet marami akong naging kakilala pagkatapos noon ay naging masaya aqako dahil sa nalalapit na an gaming graduation at dahil marami akong natutunan hindi makakalimutan ang mga naituro ng aking mga guro at ng sumapit na ang buwan ng marso ika anim dalawang libot anim nagsipagtapos kami sa paaralang San Marcos Elemntary School natuwa ang aking magulang ng ibgay ko sa kanila ang aking diploma at nagkaroon kami ng kaunting salu salo sa aming bahay at nang kinabukasan ay swimming naman nming lahat, Masaya kami at ipinagdiwang naming ang aming pag graduate. Nag ambagan kami at naglagay kami ng mga palaro tulad ng Volley ball na kalaban naming ang mga babae na kung sino ang mananalo ay magkakaroon ng papremyo at yun ay tatlong daang piso, nanalo kaming mga lalaki laban sa mga babae at pagkatapos kumain kami ng tanghalian at nang kinahapunan marami kaming mga ginawang mga palaro at pagkatapos ay isa isa na kaming pinaahon upang magbihis dahil uuwi na kami napatawa ako dahil isa isa silang nakatulog sa sasakyan hanggang makauwi kami at noong Hunyo ika pito dalawang libot pito ipinag patuloy ko ang aking pag aaral sa Paaralang Col. Lauro P. Dizon Memorial National Highschool at doon nakakilala ako ng mga panibagong kaibigan. At nung 1st year ako masaya ako dahil may kakikilala na naman akong mga bagong mga kaibigan at dahil dun msaya na ako .  Masaya ako pero may kaunting pagbabago akong nararamdaman sa aking sarili ito ang una kong pasok dito marami kaming ginawa tulad ng nutri jingle na tuwing araw ng mga gulay ay naglalaban laban lahat ng mga seksyon natuwa ako at nakamit naming ang ika apat na posisyon at ng tumuntong na ako ng second year highschool ay masaya ako nagulat ang mga kaklase ko na tumangkad na daw ako at namuti ng kaunti ngunit bago ko matapos ang hirap na pinagdaanan ko noong first year highschool ako ay may panibago akong haharapin natuwa ako dahil ipinangako sa akin ng mga magulang ko na magtatapos ako upang ako ang tumulong sa kanila. At ngayong malapit na naman mag bakasyon ay nagpaplano na naman kaming mag outing sa beach pero hindi ito natuloy dahil marami sa aking kamag aral ay hindi pinayagan ng kanilang mga magulang kaya nagpasya ang lahat na iba nalang ang gawin naming at yun nga dumaan pa ang mga araw ay ipinagdiwang namin ang piyesta sa aming lugar noong abril abente singko dalawang libot walo marami akong inimbitang kamag aral inilibot ko sila sa aming lugar tuwang tuwa sila ng ipinasyal ko sila sa isang perya. Matagal kaming namalagi doon masaya ako dahil takot na takot ang aking isang kamag aral.at noong third year ako ay marami ako natutunan sa aming guro na si gng. reyes at dahil sa kanyang pagtuturo ay marami akong nalaman. At ngayon dadaan na naman ang bakasyon ay pupunta naman kami sa maynila upang dalawin ang aking lolo at lola.   




 Naging emosyonal naman ako dahil sa pagkalipas ng dalawang buwan ay sasapit na naman ang pasukan dahil sa bilis ng araw at panahon ay forth year na ako. Medyo may kaunti akong hindi kilala pero ng tumagal ay halos naging kakilala ko ng lahat sila marami akong pangarap sa buhay tulad na maging isang pinakamagaling na basketball player, business man, doctor, mahusay na mekaniko o pagsusundalo,medyo mahirap na ngayon dahil graduating na kami gusto ko pag akyat ko ng entablado sa harap ng maraming mga estudyante at nga guro na pumapatnubay sa amin sa tuwing kaim’y nasa loob ng paaralan nagpapasalamat ako sa kanilang lahat dahil marami akong natutunan sa kanila sa lahat ng naitulong nilang kaalaman sa amin marami akong hindi malilimutang ngayon.







                                     Ang Bonding Time Naming Magkakabarkada


Masaya ako na nagging kakilala at kaibigan ko sila at ipinapangako ko sa aking magulang na iaabot ko sa kanila ang aking diploma at sa ganun na  masuklian ko ang pag aaruga nila sa akin at gusto ko ako naman ang tumulong sa kanila at sa ganung paaralan hihigitan ko ito sa abot ng aking mkakaya para sa kanila naman talaga dahil sila’y mahal ko at dahil nanalo ako sa botohan para sa kabataan nanalo ako bilang isa sa mga SK konsehal na aming barangay isa rin yun sa dahilan kung bakit gusto ko makapagtapos upang maging isang magandang halimbawa sa kabataan sa aming barangay.Madami pa kong gustong matupad na pangarap kaya gagawin ko ang lahat para matupad ito.at gusto rin makamit lahat ng magagandang mang bagay na makukuha ko at sana matuwa at magandahan sa aming magandang pa proyekto at salamat narin din sa lahat ng bumoto.at pati narin s ang ama ngayon ay gusto kung maging isang pinaka magaling na basket ball player sa ating bansa at pati narin sa buong mundo.Tutuparin ko ang magagandang pangarap ng aking mga magulang.Hindi ko sila bibiguin at salamat at sa mga guro na na tumulong para marating ko ito at ngayung mag ka college na ako dodoblihin ko pa ang pagsisikap ko at sana matapos ko ito.at ngayung nalalapit  na ang aming pagtatapos ay nag papasalamat ako sa mga sumoporta sa akin . 
                                                         Ang Aming Swat Team
Saan Kaya Makakarating Ang Aking Paglalakbay?

Nicole Aira A. Escueta

Araw ng miyerkules taong isang libo siyam naraan siyam napu’t lima ng marso 28 ng ipinanganak ako sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna. Naglihi ang aking mama sa mansanas at labanos at noong naglilihi ang aking mama sa akin ay palagi siyang nagsusuka at ayaw na ayaw makakaamoy ng mabaho. Nang nasa tiyan pa lamang ako ni mama ay sobrang likot at bawat oras ay ang nagalaw ako sa tiyan ng mommy ko, sa tingin nga ng mama ko ay sobrang haba ng aking paa. Siyam na buwan ako dala dala ng aking mama sa kanyang sinapupunan hanggang pinanganak ako, maga noong sumakit ang tiyan ng mama ko at nang inilabas ako ay alas tres na ng hapon.

noong bininyagan ako !

Ako si Nicole Aira A. Escueta pangdalawa sa apat na anak ng mag-asawang Rodison M. Escueta at ang asawa nitong si Jeangeline M. Escueta. Si Khimberly Rose A. Escueta ang aking panganay na kapatid na na ngayon ay nasa colleges level na ng kanyang pag-aaral. Ang pangatlo ko naman kapatid ay si John Loyd  A. Escueta na ngayon ay nasa ikaapat na baiting sa elementarya. At ang huli ay ang aking bunsong kapatid na si Jericho Paul A. Escueta na nsa ikalawang baiting naman.

ate kim , ako at mga cousin ko :)

Sa San Gregorio Day Care Center ako nagkinder  ang una kong paaralang pinasukan noong limang taon pa lamang ako ngunit  sabi ng mama ko hindi daw ako araw-araw nakakapasok dahil sa madalas daw ako nagkasakit at hindi ako nakikisama sa mga kaklase ko dahil mas gusto ko magsolo at sabi sakin dati ng teacher ko na si mam Belen na sumama ako sa mga kaklase ko dahil mas gusto ko na walang kasama at mag-isa na lang sa isang tabi pero habang tumatagal nakikisama na rin  ako sa mga kaklase ko at nakikipaglaro na rin ako. Nang ako’y anim na taong gulang na enenrol na ako ng aking mga magulang sa Don Enrique Bautista Elementary School unang pumasok at nag grade 1 at sabi sakin ng mama ko ang nagging teacher ko daw na si mam Niz ay pinsan daw ng lola ko na si Belen Audije. At ng tumagal marami akong nakilalang kaibigan at marami rin akong natutunan at natutuhan ko ring makisalamuha sa mga gawain pangpaaralan. At nang naggrade 2 na ako nag-iba na ang aking mga kaklase akala ko hindi ko magiging kaibigan ang mga bago kong kaklase pero hindi nagtagal naging mkaibigan ko sila at nagbago ang pakikitungo nila sa akin, kala ko mataray sila pero naging mabait sila sa akin. Sa pagdating naman sa guro ko akala ko noong una ang taray taray pero ok naman pala sobrang bait pala ng titcher kong si Mam Samar. Nakapagtapos ako ng grade 2 at nakatungtong naman ako ng grade 3 tanda ko pa noon hindi ako masyadong nakakapasok dahil lagi akong may sakit at sinusugod sa ospital, malungkot ako noon at ang baba ng grades ko  pero nakabawi naman ako at pinasa naman ako n imam De Mesa.

bday ng ate ko :)

 Grade 4 na ako parang naeenjoy na ako kasi hindi na ko nahihiya feeling ko nag-eenhance na ako, salamat kay mam lapuz na naging guro ko siya. Nagbago ang lahat nang naggrade 5 ako naging ingat yaman ako sa aming room ngayon masasabi kong nagtitiwala ang mga kaklase ko sakin . eto na at dumating na ang pinakahihintay ko at gagraduate na ako nasabi ko na lang yes grade six na ako syempre kami kami pa rin magkakaklase at nagkaroon din ako nang bagong kaibigan na mababait na masasabi kong tunay na kaibigan ko at laging makakasama sina jonalyn, ella at ruby pero mas kaclose si ruby grace audije na pinsan ko at best friend ko pa mula grade 1 to 2 at grade 5 to 6 ko siya naging kaklase, lagi kami magkasamang apat, tanda ko noon na napagalitan ako dahil maingay ako kaya napagalitan ako kaya naparusahan ako ng guro ko na si man quijada kaya piningot ang tenga ko sa sobrang sakit nang pagkakapingot n imam ay napaiyak ako sa sakit dahil sa mahaba ang kuko ni mam bumakat talaga ang mark nang kuko niya sa tenga ko pero alam kong kasalanan ko din ito. Ang pinakamasaya sa elementary ko ay makagraduate ako kaya noon excited ako na maggraduation sabi ko matatapos na paghihirap ko pero noong nakagraduate na ako ng elementary sa Don Enrique Bautista Elementary School kala ko madali lang pagtungtong ko nang high school un pala dapat na pala ako mag-adjust at sobrang hirap talaga, wala akong kilala at sobrang dami pa naming halos hindi ko na alam kung sino ba ang magiging kaklase ko sa mga nandun sa oval. Nang nakapasok na ako ng 1st year high school, section G ako noon nakakapanibago dahil sabi ko nga kiala ko madali lang ang maging high school ditto nap ala papasok yung kailangan mo mag-aral ng mag-aral at hindi na basta basic ang subject namin kaya hirap na hirap akong mag-adjust noon, pero dahil sa mga naging kaibigan ko noon naging matatag ako sa mga ginagawa ko kahit mhirap mag-adjust sinubukan ko at naisip ko hindi lang naman ako ang kailangang mag-adjust lahat kami !. at natapos ako ng 1st year at eto na 2nd year na ako hindi pa rin nagbago  ang aking mga kaklase at nakilala ko si Angelica De Villa ang siyang naging matalik kong kaibigan, ang hindi ko malilimutan noong 2nd year ako laging napapasama sa gulo ang section naming dahil ang iba kong kaklase lalo na ang lalaki ay ang gugulo kaya laging kagulo kami at napapaguidance kami ng wala sa oras kaya ang adviser namin ay galit nagalit samin, natapos na ako ng 2nd year at eto 3rd year naman at dito nagkahiwalay hiwalay kaming magkakaibigan dahil nga laging napapasama sa gulo ang section naming dati kaya inilagay ako ng lola rosy ko sa section “E”, nanibago ako dahil ang kakilala ko lamang sa section na iyon ay ang dati ko ring kaklase na si lady pero habang tumatagal nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan  sa mga kaklase ko at naging matalik kong kaibigan si Rubilyn Guirina at naging kaclose ko din ang mga bago kong kaibigan noon na sina Silke, Badeth, Apple at Aby hinding hindi ko malilimutan February 20, 2010 na napaguidance kami at napadulas ako dahil sa napatungtong ako sa may tubo kaya ako nadulas.

me and ate kim :)

At ngayon 4th year na ako bagong mga kaklase at mga bagong kaibigan, hindi naman mahirap makisama sa kanila. At kahapon nagpunta kami ng Saint Benilde upang kumuha ng form, pero lumampas kami sabi ng mamang driver na lampas na daw kami mabuti na lang na mabait ang mama at hinatid pa kami pabalik. At kahapon din kami nagsimulang magshooting sa film making para sa mapeh, ang unang pinuntahan naming ay sa Municipal Cemetery at ang sumunod ay sa bahay nibadeth sa Barangay San Juan. At ngayon magtatapos na ang taon at magkakahiwalay hiwalay na kami sana hindi naming makalimutan ang masasayang ngayari sa Dizon. 

our family :)

Ang Talambuhay Ni Ron Michael A. Dizon

Ako po si Ron  Michael Almario Dizon . Pinanganak po ako noong ika-12 ng oktubre taong 1994. Ang aking mga magulang ay sina Ronilo F. Dizon at Chona A. Dizon. Ang nag-iisa ko pong kapatid na si Ron Aldrin A. Dizon.

Ako po ay ipinanganak sa 054. Fule Sahagun St. San Pablo City. Masayang masaya po ang aking mga magulang at nagpasalamat sila sa mahal na panginoon. May ilang buwan pa ang lumipas ay nagagawa ko nang tumayo ngunit hindi pa ako makalakad.


                                            Ako noong Isang Taong Gulang


Nagdiwang ang aking mga mahal sa buhay sa aking unang kaarawan na idinaos sa bahay ng aking lola. Naghanda ang aking mga magulang  ng mga pagkain para sa aming lahat.

Masaya ako sa araw araw na aking pag pasok dahil pagkatapos ng aming recess ay pinalalabas kami upang maglaro. Ngunit isang araw noon ay nahilo ako at nakatulog sa ilalim ng aming lamesa. Nagising na lang ako na wala na palang tao sa aking paligid at Nang ako ay pumasok na ng kinder sa Day Care Center ng aming barangay, naging nakasara na ang pinto ng aming silid aralan. Mabuti na lamang at bukas ang bintana n gaming silid aralan at dito ako dumaan upang makauwi sa aming bahay.

Noong ako naman ay grade  one na sa San Pablo Central School , lagi na lang akong sinusulatan ng lapis ng aking kaklase  sa aking likuran. At dito na pumunta ang aking magulang  upang isumbong sa aking guro ang aking mga kaklaseng nanunulat sa likuran ng aking damit. Ngunit pagkatapos nilang mag usap ay sinabihan pa ako ng aking guro na sumbungero ako.

Nang ako naman ay grade 2 , meron akong isang kaklaseng babae na mahilig akong kurutin , At isang araw sa sobrang  galit ko ay minura ko siya, at ako naman ay isinumbong ng aking isang kaklaseng nakarinig ng aking pagmumura. Pinapunta ako sa unahan ng aking guro at pinapakanta ako ng bahay kubo. Biglang dumating ang aking tiyahin na guro rin sa aming paaralan. Isinumbong ako ng aking guro sa aking tiyahin . Sa halip na ako ay pagalitan ay binigyan pa ako ng pera na pambili kong pagkain.

                                           Noong Kami Ay Nag Swimming Sa Matabungcay Beach


Nag swimming naman ang lahat ng empleyado sa pinagtatrabahuhan ng aking ama. Nag-enjoy ang lahat sa pambihirang pagkakataon na kami ay magkakasama at kami ay sumakay pa sa isang balsa. Sa Matabungcay Beach nangyari ang isang pangyayari sa aking buhay na hindi ko malilimutan.

At  noong ako ay grade two , nakatira kami sa Joel Town Subd. Sa may San Rafael San Pablo City. Ngunit sa kasamaang palad ay nagkasakit an gaming ama sa sobrang pag-iinom ng alak. At dahil dito ay naisipan naming lumipat  sa Fule Sahagun upang doon tumira kasama ang iba pa naming kamag-anak. Nang isang gabi na naiisip ko ang aking ama, naiiyak at naaawa ako sa kanya. Dumaan siya sa isang operasyon upang magamot ang kanyang sakit ,at sa awa ng panginoon ay naging matagumpay ang kanyang operasyon. Dahil sa hirap ng buhay ay natagalan ang paglabas ng aking ama sa ospital. Sa tulong ng iba naming kamag-anak ay nailabas din ang aking ama sa ospital. Isa ang araw na iyon sa pinakamasayang araw ng aking buhay dahil nakasama ko na ulit ang aking ama.


At ilang taon pa ang lumipas, Noong ako ay grade 6. Nagkayayaan kaming magkakaklase na bumili sa Grandstand ng kwek-kwek at waffle . Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli kami n gaming principal. Ipinatawag an gaming adviser sa aming silid aklatan upang kausapin ng aming principal.Pinasulat an gaming pangalan at address sa isang papelat pinapalipat kami ng ibang school na kung saan malapit ang aming tirahan.

At natuto rin akong tumugtog ng gitara dahil tinuturuan ako ng aking pinsan at kaklase. Kami ng aking kaklase ang taga tugtog ng aming Graduation Song na hawak kamay na  kinanta ni Yeng Constantino. Dumating din ang pinakahihintay na araw  ng lahat ng Grade 6, ito an gaming pagtatapos. Naging malungkot ang araw na iyon sa aming lahat dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. Ngunit kailangan naming tanggapin ito dahil patungo na naman kami sa panibagong yugto ng aming buhay. Ang high school life.

Nang ako ay first year na, naranasan ko ang mga mahihirap na Gawain, pero sa kabila ng lahat ng ito, nalampasan ko isa isa ang mga iyon. Hindi ko  malilimutan nung ako ay 1st year nung  sumabog ang aming electric fan habang kami ay nag e exam sa A.P. nabigla ang lahat sa pagsabog nito , mabuti na lamang ay walang nasaktan. At nang taong ding iyon, tumugtog ako kasama ang aking mga ka banda para sa tapusan sa aming lugar. Kinabahan ako dahil iyon ang una kong pagharap sa mga tao. Ngunit naging maayos naman ang aming pe-perform.

Noong ako ay 2nd year na , sa araw nang aming National Achievement Test . kabado ang lahat dahil hindi madali ang test. Pero kinaya pa rin naming lahat ang pagsasagot nito  at ang lahat ay Masaya dahil naging bonding time na din naming magkaklase ang araw na iyon .

Noong ako ay third year na , isa sa mga hindi ko malilimutan ay noong nanalo ulit  ang batch namin sa intramurals 2009. tatlong sunod sunod na panalo ang nakamit nang aming batch. At noong gabi ng aming J.S Prom. Doon ko naramdaman ang saya ng tunay na high school. Kahit na hindi maganda ang suot ko nung J.S Prom namin, hindi ito naging hadlang upang hindi ako maging Masaya noong gabing iyon. At noong March 28, 2010 nagkaroon ng swimming ang aming section . Kahit na kakaunti lang ang sumama , Masaya pa rin ako dahil sama sama kami.

Isa na rin sa aking karanasan ay noong isang araw na mapagalitan ako ni Mrs.Gonzales dahil nakapag salita ako ng hindi magandang salita sa kanya. Ilang araw din akong hindi nakapasok sa kanya dahil takot akong ipakausap sa kanya ang aking magulang. Pero nang makausap niya ang aking magulang , pinahingi niya ako ng sorry para maayos na ang aming hindi pagkakaintidihan.


                                           Noong Kami Ay Nag Swimming Sa Boying's Resort

Noong April 19 2010, Nagswiming kami ng magkakapit-nahay sa boying’s Resort. Masaya dahil sama sama kami at malungkot dahil hindi ako masyadong nag-enjoy dahil hindi ako  marunong maglangoy sa tubig.

                                




                                                    Noong Kami Ay Sumayaw sa S.M City San Pablo


At ngayon 4th year na ako kailangan kong pataasin ang aking marka para makuha ko ang kursong gusto ko bagong mga kaklase at mgabagong kabarkada. Ngunit hindi naman sila mahirap pakisamahan. Masyado nang busy ang 4th year life dahil sa dami ng mga project at requirements. At kahapon nagumpisa na kaming magshooting n gaming film making para sa mapeh. Ang una naming scene ay kinunan sa municipal cemetery at ang sumunod na scene ay kinunan naman sa Barangay San Juan. Sa akin malungkot ang 4th year dahil matatapos na ang mga araw na magkakasama kami. Matatapos na ang 10 months na kulitan. Ang 40 weeks na kasiyahan. Ang 205 days na asaran. Ang 1,435 oras na biruan. Ang 86,100 minutes na kopyahan at ang 5,166,000 seconds na tawanan. At lahat ng yan ay papawiin ng isang araw na iyakan . Ang aming pinakahihintay na graduation.


Kaya Ko Bang Pagtagumpayan Ang Lahat ng Hamon Sa Aking Buhay?

Ako po si Ron  Michael Almario Dizon . Pinanganak po ako noong ika-12 ng oktubre taong 1994. Ang aking mga magulang ay sina Ronilo F. Dizon at Chona A. Dizon. Ang nag-iisa ko pong kapatid na si Ron Aldrin A. Dizon.


Mga Karanasang Hindi Ko Malilimutan at Ang Kwento Ng Aking Buhay

"ANG SIMPLENG TALAMBUHAY "NI SHARAH BECINA LUNA