Bata pa ko

Bata pa ko
Me and couz Bea

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni Albert Bustarde

Ako nang dalawang taon
                                                                                
Ako nung tatlong taon



 Nang ako'y lumaban ng sayaw !
                 Ako si Albert Bustarde,ipinanganak ako noong disyembre 13,1994 sa San Pablo City Laguna. Si Tony at Zarina bustarde ang aking ama at ina. Ako rin ang panganay at unang apo. Ayon naman sa nanay ko pinaglihe daw niya ako sa “pinya” ,na sinabe niya sakin un napatawa na lang ako. Nang ako daw ay tatlong taon na palagi ko daw gustong tawagin ang mga manok at ang tawag ko pa daw sa manok ay “KAKAK” habang tinatawag ko mga manok           


Ako nung ako'y nag'graduate 
      Nang ako naman ay nasa 7 taon na hilig ko noong kumanta,tanda ko noon pagpinapakanta ako agad akong nakanta wala pa kasi ako nung hiya kasi bata pa. day care na ako nun tandang tanda ko pa napili ako noon na pinakamagaling sumayaw sa intrams ako pa yung nasa unahan kaya puring puri ako ng titser ko lalo nung kami ang nagfirst kaya nung graduation na ang dami kung natangap na medal na kinatuwa ng aking ama at ina. 




Graduate na ko na day care siyempre magsisimula na ko maggrade 1 sa Ambray elem.school. unang pasukan pa lang,malikot na ako,nakikipagdaldalan at puro laro. Tanda ko pa noon ang titser ko noon ay si Mrs. Calingasan isa siya sa mga istriktong magturo ngunit napakagaling niya magturo pero isang beses naranasan kong mapagalitan ni Mrs.Calingasan na hindi ko makakalimutan kasi napahiya ako sa mga kaklase ko. Tapos tuwing reces palitan kame ng baon at luging lugi ang mga kaklase ko kasi mumurahin ang nga pinapalit ko hindi naman nila tinatanong kung magkano eh. Basta masarap palitan na ! 












Nang ako ay grade 2 na palagi ako nasa labas ng school at pumupunta ako sa bahay nina ma George para lang maglaro ng play station. Wiling wili ako noon sa larong iyon dati. Hangang ako ay mabisto ng aking pinsan at naisunbong agad ako kay tatay. Simula noon di na ko nakakalabas,nakakalabas lang ako pero hangang 6:30 ng hapon at hatid sundo pa ko noon,maiwas lang nila ako sa pagpeplay station kasi nga daw naapektohan daw ang pagaaral ko. Nagpakabait ako noong matagal tagal rin para lang makita nila na nagbabago na ako kaya makalipas ang ilang araw noon ay pinapayagan nila ulit ako maglaro ngunit hindi sa oras na may pasok pagkaawas at pagnatapos mga dapat tapusin ng mga assignment. Ayos na din yon kesa hindi naman makalabas. 






8 taon na ko noon,grade 3 na. Si Sir Arvin pa ang titser ko noon . Tandang tanda ko pa noon kapag nagtuturo siya dapat daw lahat kami ay nakatingin sa kanya dahil siya lang daw ang gwapo at patago na lng kame tumatawa kapag sinasbe niya yun. Hindi ko rin makakalimutan pangayayaring noon na may nakaaway ako na kaklase ko na dahil lang sa lapis dahil tanda ko noon na siya ay nanghihiram na lapis ko tapos pagkatapos niyng gamitin ay basta niyang tinapon tapos tinanong ko kung bakit niya tinapon ang sabe pa niya sakin ay walang kwenta daw ang lapis ko. Kaya sa yamot ko noon bigla ko siyang naitulak ng malakas at nagkasagutan kame hanggang sa nagpanuntok kami sa galit ko noon di ko napigilan ang aking sarili. Napatawag tuloy ang magulang ko na hindi oras inis na inis ako nung araw na yun. Hanggang sa paguwi ko naisip ko pa din ang nangyari na parang gusto kong banatan yung kaklase ko sag alit. Kinabukasan naman noon nagutla ako dahil nakipagkamay sakin yung kaklase ko at nawala na yung galit ko. Naging magkaibigan pa kami ng araw na yun sabay pa kame sa pagpasok at paguwi kasi kapitbahay ko lang pala siya malapit samin. Matatapos na noon ang pasukan kuniting araw na lang kaya lalo pa akong nagsipag magaral. Matatapos na ang pagkagrade 3 ko ay excited naman ako sa darating na bakasyon. Hindi na ko pumasok nung may pasok pa kasi ganon din naman yun.













sa Tagaytay
 Bakasyon na kaen tulog lang ako noon at laro gala dito gala doon ngunit nabigla ako sa aking lalo na apo magpalit kayo ni marlon ng short yung malaki dahil may pupuntahan tayo. Agad naman ako kinabahan pati na pinsan ko. Sabi ko sa pinsan ko “pinsan ito na yata yung tinatawag na tuli.” Hindi naman kami nakahinde sakin lola ,dahil wala daw sa lahi namin ang duwag. Sumama kami dalawa kay lalo na may kaba. Matapos na ang operasyon tuli. Nawala na ang kaba ko pati na pinsan ko. Hindi naman masakit ang magpatuli. Nakalipas ang ilang linggo galing na ang sugat. Nakkapagjolen pa nga ako at nanalo pa. isa na akong ganap na binata. Matatapos na ang bakasyon pasukan na naman,ngunit 6 na araw na lang bago magpasukan naak sidente at napilayan sa braso dahil sa paglalaro ko noon ng basket ball. Pinagtawanan pa ako imbis na tulungan ako.umuwi akong naiyak habang hawak ko ang braso ko. Napagalitan naman ako ng tatay ko. At awang awa naman ang nanay ko. Tapos agad ako pinagamot sa albularyo ang aking nanay baka kasi mamaga pa. nang matapos na akoy gamutin nawala wala ang sakit ng bali ko. Isang araw nalang pasukan na noon nakabenda pa rin ang braso ko . Hanggang sa unang pasukan na ay may benda pa rin ang braso ko. Palage namang tanong sakin ng mga kaklse ko kung napaano daw ako. Sagot ko naman “wala trip lang.” di nagtagal galling na braso ko. Nakakapagbasket ball ulit ako pero sa tuwing maglalaro ako ng basket ball ay palagi akong inaasar. Sabi nila “oh yang kabilang braso naman para pantay na.











Mga tropa ko at ako
                                                                                               
 Basyon na noon ng may nabalitaan ako kay Paulo na dadating na daw ang aming kaibigan galing pang Ireland na ilang taon naming hindi nakita . tuwang tuwa naman ako sa balitang iyon. Nang dumating na si Stephen halos di kami makaimik dahil sa hindi kami makapaniwala na asa harap na namin siya. Hindi rin siya nakalimut dahil may mga pasalubong pa siyang chocolates at damit galing ibang bansa. Masayang masaya kami nung araw na yun. 











happy moments ko sa Tagaytay
Nang ako naman ay grade 5 na man ako na isang pangyayari na hindi ko makalimutan ay yong namatay ang nagiisang kapatid na lolo ko na si lola pine na kinalungkot namin dahil napakabait niyang asawa,nanay at lola samin kaya nung namatay siya ay bumiyahe kami galing San Pablo papuntang pangasinan dahil dun si lola nakatira. Nang makarating na kami sa burol ni lola pine. Halos nahimatay ang lolo ko sa pagiyak dahil hindi niya inaasahan ang pagkamatay ni lola pine. Maging kami din mga apo at anak niya ay sobrang napaiyak at nalungkot sa pagkamatay ni lola pine. nang mailibing at umuwi na kami sa San Pablo ay hindi pa rin naming makalimutan ang pagkamatay ni lola pine.









Makalipas ang 1 taon grade 6 na ko noon kelangan ko ng mas galingan sa pagaaral dahil gusto ko makatulong sa magulang ko . Tanda ko pa noon napasali ako sa math club. Tapos ng "KIDS PROM"  na naisayaw ko noon na si Lyka Belda na hindi ko makalimutan, dahil crush ko siya noon.









 


my "BESTFRIEND "
and I


Ang pogi ko dito shet !





si Mr. Albert ngayon

1
st year na ako at napili kong pasukan ay dizon high. At hanggang akoy 2nd year wala pa din pagbabago ang taas ko maliit pa rin. Nung ako nama'y 3rd year na napasali ako sa fraternity na kala koy makakabuti sakin galit na galit sakin noon ang aking mga magulang. Ngayon 4th year na ako .Naging s.k councilor ako samin , hindi ko nga akalain yon na mananalo ako sa dami naming naglaban laban . hndi ko rin akalain na magkakahiwalay kami ng kasintahan kong si sharmaine ballaran. Tumagal din kami ng 1 taon at 3 buwan  at hinding hindi ko siya makakalimutan dahil matagal din kami nagsama. Dito ko na muna tatapusin ang aking talambuhay .

No comments:

Post a Comment

"ANG SIMPLENG TALAMBUHAY "NI SHARAH BECINA LUNA