Bata pa ko

Bata pa ko
Me and couz Bea

Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay Ni Ron Michael A. Dizon

Ako po si Ron  Michael Almario Dizon . Pinanganak po ako noong ika-12 ng oktubre taong 1994. Ang aking mga magulang ay sina Ronilo F. Dizon at Chona A. Dizon. Ang nag-iisa ko pong kapatid na si Ron Aldrin A. Dizon.

Ako po ay ipinanganak sa 054. Fule Sahagun St. San Pablo City. Masayang masaya po ang aking mga magulang at nagpasalamat sila sa mahal na panginoon. May ilang buwan pa ang lumipas ay nagagawa ko nang tumayo ngunit hindi pa ako makalakad.


                                            Ako noong Isang Taong Gulang


Nagdiwang ang aking mga mahal sa buhay sa aking unang kaarawan na idinaos sa bahay ng aking lola. Naghanda ang aking mga magulang  ng mga pagkain para sa aming lahat.

Masaya ako sa araw araw na aking pag pasok dahil pagkatapos ng aming recess ay pinalalabas kami upang maglaro. Ngunit isang araw noon ay nahilo ako at nakatulog sa ilalim ng aming lamesa. Nagising na lang ako na wala na palang tao sa aking paligid at Nang ako ay pumasok na ng kinder sa Day Care Center ng aming barangay, naging nakasara na ang pinto ng aming silid aralan. Mabuti na lamang at bukas ang bintana n gaming silid aralan at dito ako dumaan upang makauwi sa aming bahay.

Noong ako naman ay grade  one na sa San Pablo Central School , lagi na lang akong sinusulatan ng lapis ng aking kaklase  sa aking likuran. At dito na pumunta ang aking magulang  upang isumbong sa aking guro ang aking mga kaklaseng nanunulat sa likuran ng aking damit. Ngunit pagkatapos nilang mag usap ay sinabihan pa ako ng aking guro na sumbungero ako.

Nang ako naman ay grade 2 , meron akong isang kaklaseng babae na mahilig akong kurutin , At isang araw sa sobrang  galit ko ay minura ko siya, at ako naman ay isinumbong ng aking isang kaklaseng nakarinig ng aking pagmumura. Pinapunta ako sa unahan ng aking guro at pinapakanta ako ng bahay kubo. Biglang dumating ang aking tiyahin na guro rin sa aming paaralan. Isinumbong ako ng aking guro sa aking tiyahin . Sa halip na ako ay pagalitan ay binigyan pa ako ng pera na pambili kong pagkain.

                                           Noong Kami Ay Nag Swimming Sa Matabungcay Beach


Nag swimming naman ang lahat ng empleyado sa pinagtatrabahuhan ng aking ama. Nag-enjoy ang lahat sa pambihirang pagkakataon na kami ay magkakasama at kami ay sumakay pa sa isang balsa. Sa Matabungcay Beach nangyari ang isang pangyayari sa aking buhay na hindi ko malilimutan.

At  noong ako ay grade two , nakatira kami sa Joel Town Subd. Sa may San Rafael San Pablo City. Ngunit sa kasamaang palad ay nagkasakit an gaming ama sa sobrang pag-iinom ng alak. At dahil dito ay naisipan naming lumipat  sa Fule Sahagun upang doon tumira kasama ang iba pa naming kamag-anak. Nang isang gabi na naiisip ko ang aking ama, naiiyak at naaawa ako sa kanya. Dumaan siya sa isang operasyon upang magamot ang kanyang sakit ,at sa awa ng panginoon ay naging matagumpay ang kanyang operasyon. Dahil sa hirap ng buhay ay natagalan ang paglabas ng aking ama sa ospital. Sa tulong ng iba naming kamag-anak ay nailabas din ang aking ama sa ospital. Isa ang araw na iyon sa pinakamasayang araw ng aking buhay dahil nakasama ko na ulit ang aking ama.


At ilang taon pa ang lumipas, Noong ako ay grade 6. Nagkayayaan kaming magkakaklase na bumili sa Grandstand ng kwek-kwek at waffle . Ngunit sa kasamaang palad ay nahuli kami n gaming principal. Ipinatawag an gaming adviser sa aming silid aklatan upang kausapin ng aming principal.Pinasulat an gaming pangalan at address sa isang papelat pinapalipat kami ng ibang school na kung saan malapit ang aming tirahan.

At natuto rin akong tumugtog ng gitara dahil tinuturuan ako ng aking pinsan at kaklase. Kami ng aking kaklase ang taga tugtog ng aming Graduation Song na hawak kamay na  kinanta ni Yeng Constantino. Dumating din ang pinakahihintay na araw  ng lahat ng Grade 6, ito an gaming pagtatapos. Naging malungkot ang araw na iyon sa aming lahat dahil magkakahiwa-hiwalay na kaming magkakaklase. Ngunit kailangan naming tanggapin ito dahil patungo na naman kami sa panibagong yugto ng aming buhay. Ang high school life.

Nang ako ay first year na, naranasan ko ang mga mahihirap na Gawain, pero sa kabila ng lahat ng ito, nalampasan ko isa isa ang mga iyon. Hindi ko  malilimutan nung ako ay 1st year nung  sumabog ang aming electric fan habang kami ay nag e exam sa A.P. nabigla ang lahat sa pagsabog nito , mabuti na lamang ay walang nasaktan. At nang taong ding iyon, tumugtog ako kasama ang aking mga ka banda para sa tapusan sa aming lugar. Kinabahan ako dahil iyon ang una kong pagharap sa mga tao. Ngunit naging maayos naman ang aming pe-perform.

Noong ako ay 2nd year na , sa araw nang aming National Achievement Test . kabado ang lahat dahil hindi madali ang test. Pero kinaya pa rin naming lahat ang pagsasagot nito  at ang lahat ay Masaya dahil naging bonding time na din naming magkaklase ang araw na iyon .

Noong ako ay third year na , isa sa mga hindi ko malilimutan ay noong nanalo ulit  ang batch namin sa intramurals 2009. tatlong sunod sunod na panalo ang nakamit nang aming batch. At noong gabi ng aming J.S Prom. Doon ko naramdaman ang saya ng tunay na high school. Kahit na hindi maganda ang suot ko nung J.S Prom namin, hindi ito naging hadlang upang hindi ako maging Masaya noong gabing iyon. At noong March 28, 2010 nagkaroon ng swimming ang aming section . Kahit na kakaunti lang ang sumama , Masaya pa rin ako dahil sama sama kami.

Isa na rin sa aking karanasan ay noong isang araw na mapagalitan ako ni Mrs.Gonzales dahil nakapag salita ako ng hindi magandang salita sa kanya. Ilang araw din akong hindi nakapasok sa kanya dahil takot akong ipakausap sa kanya ang aking magulang. Pero nang makausap niya ang aking magulang , pinahingi niya ako ng sorry para maayos na ang aming hindi pagkakaintidihan.


                                           Noong Kami Ay Nag Swimming Sa Boying's Resort

Noong April 19 2010, Nagswiming kami ng magkakapit-nahay sa boying’s Resort. Masaya dahil sama sama kami at malungkot dahil hindi ako masyadong nag-enjoy dahil hindi ako  marunong maglangoy sa tubig.

                                




                                                    Noong Kami Ay Sumayaw sa S.M City San Pablo


At ngayon 4th year na ako kailangan kong pataasin ang aking marka para makuha ko ang kursong gusto ko bagong mga kaklase at mgabagong kabarkada. Ngunit hindi naman sila mahirap pakisamahan. Masyado nang busy ang 4th year life dahil sa dami ng mga project at requirements. At kahapon nagumpisa na kaming magshooting n gaming film making para sa mapeh. Ang una naming scene ay kinunan sa municipal cemetery at ang sumunod na scene ay kinunan naman sa Barangay San Juan. Sa akin malungkot ang 4th year dahil matatapos na ang mga araw na magkakasama kami. Matatapos na ang 10 months na kulitan. Ang 40 weeks na kasiyahan. Ang 205 days na asaran. Ang 1,435 oras na biruan. Ang 86,100 minutes na kopyahan at ang 5,166,000 seconds na tawanan. At lahat ng yan ay papawiin ng isang araw na iyakan . Ang aming pinakahihintay na graduation.


No comments:

Post a Comment

"ANG SIMPLENG TALAMBUHAY "NI SHARAH BECINA LUNA