Bata pa ko

Bata pa ko
Me and couz Bea

Sunday, February 20, 2011

Saan Kaya Makakarating Ang Aking Paglalakbay?

Nicole Aira A. Escueta

Araw ng miyerkules taong isang libo siyam naraan siyam napu’t lima ng marso 28 ng ipinanganak ako sa Pagamutang Panlalawigan ng Laguna. Naglihi ang aking mama sa mansanas at labanos at noong naglilihi ang aking mama sa akin ay palagi siyang nagsusuka at ayaw na ayaw makakaamoy ng mabaho. Nang nasa tiyan pa lamang ako ni mama ay sobrang likot at bawat oras ay ang nagalaw ako sa tiyan ng mommy ko, sa tingin nga ng mama ko ay sobrang haba ng aking paa. Siyam na buwan ako dala dala ng aking mama sa kanyang sinapupunan hanggang pinanganak ako, maga noong sumakit ang tiyan ng mama ko at nang inilabas ako ay alas tres na ng hapon.

noong bininyagan ako !

Ako si Nicole Aira A. Escueta pangdalawa sa apat na anak ng mag-asawang Rodison M. Escueta at ang asawa nitong si Jeangeline M. Escueta. Si Khimberly Rose A. Escueta ang aking panganay na kapatid na na ngayon ay nasa colleges level na ng kanyang pag-aaral. Ang pangatlo ko naman kapatid ay si John Loyd  A. Escueta na ngayon ay nasa ikaapat na baiting sa elementarya. At ang huli ay ang aking bunsong kapatid na si Jericho Paul A. Escueta na nsa ikalawang baiting naman.

ate kim , ako at mga cousin ko :)

Sa San Gregorio Day Care Center ako nagkinder  ang una kong paaralang pinasukan noong limang taon pa lamang ako ngunit  sabi ng mama ko hindi daw ako araw-araw nakakapasok dahil sa madalas daw ako nagkasakit at hindi ako nakikisama sa mga kaklase ko dahil mas gusto ko magsolo at sabi sakin dati ng teacher ko na si mam Belen na sumama ako sa mga kaklase ko dahil mas gusto ko na walang kasama at mag-isa na lang sa isang tabi pero habang tumatagal nakikisama na rin  ako sa mga kaklase ko at nakikipaglaro na rin ako. Nang ako’y anim na taong gulang na enenrol na ako ng aking mga magulang sa Don Enrique Bautista Elementary School unang pumasok at nag grade 1 at sabi sakin ng mama ko ang nagging teacher ko daw na si mam Niz ay pinsan daw ng lola ko na si Belen Audije. At ng tumagal marami akong nakilalang kaibigan at marami rin akong natutunan at natutuhan ko ring makisalamuha sa mga gawain pangpaaralan. At nang naggrade 2 na ako nag-iba na ang aking mga kaklase akala ko hindi ko magiging kaibigan ang mga bago kong kaklase pero hindi nagtagal naging mkaibigan ko sila at nagbago ang pakikitungo nila sa akin, kala ko mataray sila pero naging mabait sila sa akin. Sa pagdating naman sa guro ko akala ko noong una ang taray taray pero ok naman pala sobrang bait pala ng titcher kong si Mam Samar. Nakapagtapos ako ng grade 2 at nakatungtong naman ako ng grade 3 tanda ko pa noon hindi ako masyadong nakakapasok dahil lagi akong may sakit at sinusugod sa ospital, malungkot ako noon at ang baba ng grades ko  pero nakabawi naman ako at pinasa naman ako n imam De Mesa.

bday ng ate ko :)

 Grade 4 na ako parang naeenjoy na ako kasi hindi na ko nahihiya feeling ko nag-eenhance na ako, salamat kay mam lapuz na naging guro ko siya. Nagbago ang lahat nang naggrade 5 ako naging ingat yaman ako sa aming room ngayon masasabi kong nagtitiwala ang mga kaklase ko sakin . eto na at dumating na ang pinakahihintay ko at gagraduate na ako nasabi ko na lang yes grade six na ako syempre kami kami pa rin magkakaklase at nagkaroon din ako nang bagong kaibigan na mababait na masasabi kong tunay na kaibigan ko at laging makakasama sina jonalyn, ella at ruby pero mas kaclose si ruby grace audije na pinsan ko at best friend ko pa mula grade 1 to 2 at grade 5 to 6 ko siya naging kaklase, lagi kami magkasamang apat, tanda ko noon na napagalitan ako dahil maingay ako kaya napagalitan ako kaya naparusahan ako ng guro ko na si man quijada kaya piningot ang tenga ko sa sobrang sakit nang pagkakapingot n imam ay napaiyak ako sa sakit dahil sa mahaba ang kuko ni mam bumakat talaga ang mark nang kuko niya sa tenga ko pero alam kong kasalanan ko din ito. Ang pinakamasaya sa elementary ko ay makagraduate ako kaya noon excited ako na maggraduation sabi ko matatapos na paghihirap ko pero noong nakagraduate na ako ng elementary sa Don Enrique Bautista Elementary School kala ko madali lang pagtungtong ko nang high school un pala dapat na pala ako mag-adjust at sobrang hirap talaga, wala akong kilala at sobrang dami pa naming halos hindi ko na alam kung sino ba ang magiging kaklase ko sa mga nandun sa oval. Nang nakapasok na ako ng 1st year high school, section G ako noon nakakapanibago dahil sabi ko nga kiala ko madali lang ang maging high school ditto nap ala papasok yung kailangan mo mag-aral ng mag-aral at hindi na basta basic ang subject namin kaya hirap na hirap akong mag-adjust noon, pero dahil sa mga naging kaibigan ko noon naging matatag ako sa mga ginagawa ko kahit mhirap mag-adjust sinubukan ko at naisip ko hindi lang naman ako ang kailangang mag-adjust lahat kami !. at natapos ako ng 1st year at eto na 2nd year na ako hindi pa rin nagbago  ang aking mga kaklase at nakilala ko si Angelica De Villa ang siyang naging matalik kong kaibigan, ang hindi ko malilimutan noong 2nd year ako laging napapasama sa gulo ang section naming dahil ang iba kong kaklase lalo na ang lalaki ay ang gugulo kaya laging kagulo kami at napapaguidance kami ng wala sa oras kaya ang adviser namin ay galit nagalit samin, natapos na ako ng 2nd year at eto 3rd year naman at dito nagkahiwalay hiwalay kaming magkakaibigan dahil nga laging napapasama sa gulo ang section naming dati kaya inilagay ako ng lola rosy ko sa section “E”, nanibago ako dahil ang kakilala ko lamang sa section na iyon ay ang dati ko ring kaklase na si lady pero habang tumatagal nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan  sa mga kaklase ko at naging matalik kong kaibigan si Rubilyn Guirina at naging kaclose ko din ang mga bago kong kaibigan noon na sina Silke, Badeth, Apple at Aby hinding hindi ko malilimutan February 20, 2010 na napaguidance kami at napadulas ako dahil sa napatungtong ako sa may tubo kaya ako nadulas.

me and ate kim :)

At ngayon 4th year na ako bagong mga kaklase at mga bagong kaibigan, hindi naman mahirap makisama sa kanila. At kahapon nagpunta kami ng Saint Benilde upang kumuha ng form, pero lumampas kami sabi ng mamang driver na lampas na daw kami mabuti na lang na mabait ang mama at hinatid pa kami pabalik. At kahapon din kami nagsimulang magshooting sa film making para sa mapeh, ang unang pinuntahan naming ay sa Municipal Cemetery at ang sumunod ay sa bahay nibadeth sa Barangay San Juan. At ngayon magtatapos na ang taon at magkakahiwalay hiwalay na kami sana hindi naming makalimutan ang masasayang ngayari sa Dizon. 

our family :)

No comments:

Post a Comment

"ANG SIMPLENG TALAMBUHAY "NI SHARAH BECINA LUNA